Pagkamatay ng Grade 10 na estudyantesa hazing sa Negros Occidental iniimbestigahan ng CHR

By Chona Yu September 15, 2021 - 08:21 AM

Nagsasagawa na ng sariling imbestigasyon ang Commission on Human Rights kaugnay sa pagkamatay ng Grade 10 na estudyante sa San Enrique, Negros Occidental.

Ayon kay CHR Spokespersons Jacqueline Ann de Guia, base sa preliminary investigation ng Philippine National Police, hazing ang ikinamatay ng estudyante matapos paluin ng kahoy.

Nabatid na sumali ang biktima sa fraternity noong Marso subalit hindi agad na sumailalim sa initiation rites dahil sa menor de edad pa.

Bago ang ika-18 kaarawan ng biktima, pinagsabihan niya ang mga magulang na pinalo siya ng kahoy ng mga kasamahan sa fraternity.

Habang ginagawa ang imbestigasyon, hinimok ng CHR ang Department of Education na paigtingin ang Child Protection Policy para masiguro ang kaligtasan ng mga batang estudyante.

Nanawagan din ang CHR na ipatupad ang Anti-Hazing Act of 2008.

 

 

TAGS: CHR, hazinng, Jacqueline de Guia, Negros Occidental, CHR, hazinng, Jacqueline de Guia, Negros Occidental

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.