Ito aniya ay pagkilala sa pagseserbisyo sa kapwa ng nagtatag ng Girl Scouts of the Philippines.
Ginawa ni Tolentino ang panawagan sa pagdinig ng pinamumunuan niyang Committee on Local Government sa panukalang ideklarang special non-working holiday sa Ilocos Norte ang Setyembre 20 ng kada taon at tawagin itong ‘Josefa Llanes-Escoda Day’, na araw ng kanyang kapanganakan.
Nabanggit din ng senador sa mga opisyal ng National Historical Commission na maaring magkaroon ng Escoda Military Nursing Corps sa Philippine Army o Escoda Wing sa V. Luna Memorial Hospitral.
Ang tubong Dingras, Ilocos Norte ay kilalang civic leader at social worker at binansagang ‘Florence Nightingale of the Philippines.
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kasama ang kanyang asawa, tumulong si Escoda sa mga bilanggong sundalong Filipino at Amerikano sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga gamot, pagkain, damit at mga mensahe.
Kinalaunan ay pinatay si Escoda ng Japanese Imperial Army.
Bukod sa Girl Scouts, kabilang din si Escoda sa mga nagtatag ng National Federation of Women’s Club.
Nabanggit din ni Tolentino na ikunsidera ang pagbibigay ng Escoda Award sa natatanging nurses na nagsisilbi sa gitna ng pandemya.