ITCZ magpapaulan sa Palawan, Visayas, Mindanao
Nakakaapekto pa rin ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa malaking bahagi ng bansa.
Ayon kay PAGASA weather specialist Joey Figuracion, umiiral ang naturang weather system partikular sa Palawan, Visayas at Mindanao.
Bunsod nito, asahan pa rin ang kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa Palawan, central at western Visayas, at sa buong Mindanao.
Magiging maaliwalas naman ang panahon sa nalalabing parte ng bansa, kabilang ang Metro Manila.
Ngunit, may tsansa pa ring makaranas ng mga panandaliang pag-ulan dulot naman ng localized thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.