‘Gag order’ ni Pangulong Duterte sa Cabinet members, inaasahan na
Sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na bahala na si Pangulong Rodrigo Duterte kung hindi niya padadaluhin sa mga pagdinig sa Senado ang mga miyembro ng kanyang Gabinete.
“That is the prerogative of the Chief Executive. Its up to him,” sagot ni Sotto nang hingian siya ng reaksyon sa sinabi ni Pangulong Duterte.
Buwelta lang ni Sotto, tutuparin pa rin ng Senado ang kanilang legislative oversight function na nagagastos ng tama ang pondo ng bayan sa mga proyekto at programa na inaprubahan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso.
Samantala, sinabi ni Sen. Leila de Lima na inaasahan na ang pagpigil ni Pangulong Duterte sa mga miyembro ng Gabinete na humarap sa mga pagdinig sa Senado.
“It was only a matter of time before Duterte resorted to an illegal action to prevent the unraveling of the truth in the Senate hearing,” paniwala ng senadora.
Naniniwala pa ito na ang layon lang naman ni Pangulong Duterte ay maisalba ang “Davao Boys” sa hinihinalang isyu ng pandarambong.
“Andami pa kasing satsat mandarambong din pala at sa panahon pa ng pandemya. Super kawalanghiyaan,” diin ni de Lima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.