Pagbabawal ni Pangulong Duterte sa Gabinete na dumalo sa Senate probe, may legal na basehan – Palasyo
May legal na basehan ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbawalan ang mga miyembro ng Gabinete na dumalo sa mga imbestigasyon ng Senado.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maaring magpalabas ng executive order ang Pangulo para maging pormal ang bagong kautusan sa Gabinete.
Ipinunto pa ni Roque ang desisyon ng Korte Suprema na hindi maaring i-cite in contempt ang isang opisyal kung hindi sisipot sa imbestigasyon.
“Talagang hindi dapat i-contempt kapag hindi pina-attend sa isang hearing ang isang miyembro ng Gabinete alinsunod sa pag-uutos ng Presidente mismo because they are alter-egos of the President,” pahayag ni Roque.
Una nang pinagbawalan ng Pangulo ang Gabinete na dumalo sa imbestigasyon ng Senado dahil sa pagsasayang lamang ito ng oras at pamamahiya ng mga Senador.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.