10PM to 4AM curfew hours sa NCR, epektibo simula sa Sept. 16

By Chona Yu September 14, 2021 - 05:27 PM

Nagkasundo ang Metro Manila mayors na ipatupad ang curfew hours sa Metro Manila simula September 16 ng 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng umaga.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na ipatutupad ang curfew kasabay ng pagpapatupad ng Alert Level 4 sa Metro Manila para sa pilot implementation ng granular lockdown dahil sa banta ng COVID-19.

Sinabi pa ni Abalos na nagbotohan ang Metro Manila mayors para sa bagong resolusyon.

Tatagal ang Alert Level 4 mula September 16 hanggang 30, 2021 sa Metro Manila.

TAGS: BenhurAbalos, CurfewHours, granularlockdown, InquirerNews, mmda, RadyoInquirerNews, BenhurAbalos, CurfewHours, granularlockdown, InquirerNews, mmda, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.