Starbucks, idinemanda dahil sa sobrang yelo

 

Sa Illinois, USA, idinemanda ng isang ginang ang kumpanyang Starbucks dahil umano sa hindi makatarungang dami ng ‘ice’ o yelo na inilalagay ng sikat na coffee franchise sa kanilang mga ‘iced drinks’.

Limang milyong dolyar o katumbas ng 235 milyong piso ang hinihinging danyos ng complainant na si Stacy Pincus mula sa Starbucks dahil umano sa maling gawain na ito ng sikat na coffee company.

Sa 29 na pahinang reklamo na inihain ni Pincus sa Northern Illinois Federal Court, sinabi nito na may panlilinlang sa advertisement ng kumpanya sa kanilang mga iced coffee beverages.

Paliwanag pa nito, sa isang ‘Venti’ cold drink, sinasabi ng kumpanya na naglalaman ito ng 24 fluid ounces.

Ngunit sa katotohanan aniya, 14 ounces lamang ang liquid content nito at ang ten ounces ay yelo.

Tinawag namang ‘absurd’ ng tagapagsalita ng Starbucks na si Jamie Riley ang naturang reklamo ni Pincus tungkol sa yelo sa kanilang iced drinks.

Read more...