BREAKING: Bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, nasa higit 177,000

Lagpas sa 18,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (September 14), pumalo na sa 2,266,066 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 177,670 o 7.8 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 18,056 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

85.8 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 9.5 porsyento ang asymptomatic; 2.66 porsyento ang moderate; 1.4 porsyento ang severe habang 0.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 222 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 35,529 o 1.57 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 20,542 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,052,867 o 90.6 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...