
Hindi pabor si Manila Mayor Isko Moreno na gawing subdivision ang mga lupang sakahan sa bansa. Pahayag ito ni Mayor Isko matapos ang pakikipagpulong sa ibat-ibang grupo ng mga magsasaka. Ayon kay Mayor Isko, papabor lamang siya sa conversion ng lupa kung ito ay nakatiwangwang at hindi na mapakikinabangan. Sinuportahan din ni Mayor Isko ang panawagan ng mga magsasaka na iwasang ang importasyon ng pagkain. Ayon kay Mayor Isko, tama lang naman na unahin bilhin ang produkto ng mga lokal na magsasaka bago mag angkat sa ibang bansa. Kasama sa nagpulong ni Mayor Isko si dating Department of Agriculture (DA) chief Leonardo ‘Leony’ Montemayor na ngayon ay kasapi na ng Federation of Free Farmers Cooperatives (FFFC).
MOST READ
LATEST STORIES