Indonesia, itinangging nagbayad ng ransom sa paglaya ng sampung tripulante
Itinanggi ng pamahalaan ng Indonesia na nagkaroon ng bayaran ng ransom kaya’t napalaya ng ligtas ang sampung tripulanteng dinukot ng Abu Sayyaf Group noong nakaraang buwan.
Ayon kay Indonesian Foreign Minister Retno Marsudi, tanging diplomasya lamang ang kanilang ginamit upang makumbinsi ang Abu Sayyaf na palayain ang kanilang mga kababayan.
Bukod sa mga negosyador sa panig ng pamahalaan, tumulong din aniya ang pribadong sektor sa proseso.
Wala aniyang katotohanan na binayaran ng 50 milyon piso ang bandidong grupo para sa kalayaan ng sampung hostage.
Tiniyak din ni Marsudi ginagawa na rin nila ang lahat upang mapalaya nang ligtas ang apat pang Indonesian na bihag ng hiwalay na paksyon ng Abu Sayyaf.
Tulad ng dati aniya, kanilang sinisilip ang lahat ng posibleng opsyon para mapalaya ang iba pang mga bihag ngunit hindi aniya kasmaa dito ang pagbabayad ng ransom kapalit ng mga bihag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.