Ilang pulitiko, celebrities, high-profile users binigyan ‘exemption’ ng Facebook

September 14, 2021 - 09:46 AM

 

Sinimulan ng Facebook ang isang programa na nagbibigay luwag sa ilang personalidad gaya ng mga celebrities, pulitiko at high-profile individuals, sa paggamit ng social network.

Nabatid na sa programang ‘Cross Check’ o ‘XCheck’ binigyan ng ‘exemption’ sa ilang regulasyon sa paggamit ng Facebook ang milyong-milyong ikinukunsiderang ‘elite users.’

Inilunsad ang programa bilang bahagi ng ‘quality control mechanism’ ng social media giant.

Kinumpirma naman ni Facebook spokesman Andy Stone sa pamamagitan ng serye ng tweets ang programa.

Depensa ni Stone batid nila ang pagpapatupad ng kanilang mga polisiya at pag-amin niya na hindi naman perpekto ang mga ito.

Una nang inalis ng Facebook ang libo-libong accounts na sa kanilang palagay ay nagpapakalat ng mga maling impormasyon ukol sa COVID 19 na nakakagulo pa ukol sa global health pandemic.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.