Ayuda, contact tracing hindi kasama sa 2022 P5T budget – Sen. Binay
Labis na ipinagtataka ni Senator Nancy Binay ang hindi pagkakasama ng pondo para sa pagbibigay ng ayuda at contact tracing sa 2022 budget ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Nadiskubre ito ni Binay sa pagdinig ng Senate Committee on Finance sa hinihinging 2022 P5.024 trillion national budget ng Malakanyang.
Aniya napakahalaga ng contact tracing para pigilan ang pagkalat pa ng COVID 19.
“We understand the challenges, but there’s a mounting necessity to scale up our contact tracing capacities. Napaka-crucial ng contact tracing is especially as infections of new Covid variants keep rising. Yung 2022 budget mismo hindi compliant sa Covid response,” dagdag pa nito.
Diin ng senadora hindi katanggap-tanggap na walang ‘systemic plan’ ang DILG at Department of Health para paigtingin pa ang contact tracing.
“Wala bang nakaisip sa kanila na importanteng elemento yun at kailangan bigyan ng allocation? Kaya di nakapagtataka kung bakit after more than a year, pagdating sa testing at contact tracing, kulelat pa rin tayo,” giit ni Binay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.