SP Tito Sotto IIII inihirit sa IATF ang pagselebra ng Banal na Misa, religious gatherings

By Jan Escosio September 14, 2021 - 09:17 AM

Manila PIO photo

Sa pagpapatupad ng gobyerno ng ‘granular lockdown with alert level systems’ sa Metro Manila, hiniling ni Senate President Vicente Sotto III sa Inter Agency Task Force (IATF) na payagan ang religious gatherings kasama na ang pagdalo sa Banal na Misa.

Aniya maaring kahit 10 porsiyento ng mga simbahan at iba pang pook-dalanginan ay payagan ang pagtitipon.

“Naiintindihan po natin na kailangan limitahan ang mass gatherings nang sa ganun ay mapigil o mapabagal ang pagkalat ng COVID-19 sa ating bansa, lalo na sa Metro Manila na siyang sentro ng pandemya. Kaisa po ako ng pamahalaan sa adhikaing mas epektibong ma-kontrol ang pagdami ng mga kaso ng COVID-19,” sabi ng senador.

Sabi pa ni Sotto bagamat naiintindihan niya na nagsusumikap ang gobyerno na pigilan ang pagkalat ng virus, dapat din aniya ikunsidera ang espirituwal na pangangailangan ng mga mamamayan.

“Religious services and activities help the people by providing a spiritual support system, helping in the reduction of psychological stress, and promoting good mental health during this time of pandemic. Mahalagang pangalagaan din po ito ng ating pamahalaan,” dagdag katuwiran pa nito.

Binanggit pa ni Sotto na simula’t sapul ay sumusunod naman ang mga simbahan sa health protocols at panay din ang paalala sa mamamayan na sumunod sa mga itinakdang patakaran ng gobyerno.

TAGS: granular lockdown with alert level systems’, Metro Manila, religious gatherings, Vicente Sotto III, granular lockdown with alert level systems’, Metro Manila, religious gatherings, Vicente Sotto III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.