Pilot run ng bagong COVID-19 alert level system, magsisimula na sa September 16
Simula sa September 16, aarangkada na ang pilot run ng bagong COVID-19 alert level system sa Metro Manila.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, may kasama itong granular lockdown.
Ayon kay Roque, base sa bagong polisiya ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF), tatlong “C” ang magiging approach ng pamahalaan. Ito ay ang iwasan ang closed, contact at close contact.
Sa ilalim ng kategoryang:
Alert Level 1: ang COVID-19 transmission sa lugar ay mababa at pababa ang total bed utilization rate at intensive care unit utilization rates.
Alert Level 2: ang COVID-19 transmission sa lugar ay mababa at pababa. Ang healthcare utilization ay mababa o ang transmission ay mababa pero tumataas ng bahagya. Ang total bed utilization rate at intensive care unit utilization rates ay pataas.
Alert Level 3: ang COVID-19 transmission ay mataas at pataas ang total bed at ICU utilization rates.
Alert Level 4: ang COVID-19 transmission ay mataas o pataas ang kaso. Ang total bed at ICU utilization rates ay mataas.
Alert Level 5: Ito ang pinakamataas na alert level na ang ibig sabihin ay ang COVID-19 transmission ay nakaaalarma at ang total bed at ICU utilization rates ay nasa critical level.
Ayon kay Roque, ang Department of Health ang mag-identify sa alert level ng isang lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.