Mga produktong petrolyo, may taas-presyo simula bukas

By Angellic Jordan September 13, 2021 - 02:31 PM

Abiso sa mga motorista.

Magpapatupad muli ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Batay sa anunsiyo ng Caltex, Petro Gazz, Shell, at Seaoil, may dagdag na P0.35 sa kada litro ng diesel habang P0.40 naman ang itataas sa kada litro ng gasolina.

Sinabi naman ng Cleanfuel na P0.30 ang dagdag sa presyo ng bawat litro ng kanilang gasolina.

Magkakaroon naman ng P0.15 na patong sa bawat litro ng kerosene ng Caltex, Seaoil at Shell.

Mauunang ipatupad ang oil price increase sa Caltex bandang 12:01, Martes ng madaling-araw (September 14).

Magiging epektibo naman ang oil price adjustment ng Total, Petro Gazz, Shell, at Seaoil bandang 6:00, Martes ng umaga.

Samantala, dakong 4:01, Martes ng hapon magsisimulang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Cleanfuel.

Asahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang oil companies ng kanilang oil price adjustment.

TAGS: BUsiness, diesel, gasoline, InquirerNews, oil, RadyoInquirerNews, BUsiness, diesel, gasoline, InquirerNews, oil, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.