QC LGU namahagi ng bisikleta, helmet sa mga walang trabaho at manggagawang hirap sa pagbiyahe

By Angellic Jordan September 13, 2021 - 02:22 PM

Quezon City government photo

Namahagi ang Quezon City government ng mga bisikleta at helmet sa ilang residente na nawalan ng hanapbuhay sa gitna ng pandemya.

Sa ilalim ng Tulong Pangkabuhayan Program, pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte, Cong. Bong Suntay, Coun. Irene Belmonte, Coun. Marra Suntay, dating Coun. Babes Malaya, at Egay Yap ang pamamahagi nito sa iba’t ibang lugar sa District 4.

Nakatanggap rin ng bisikleta ang mga manggagawang nahihirapang bumiyahe dahil sa kakulangan ng mga pampublikong sasakyan sa kasagsagan ng ipinatutupad na community quarantine.

Kabilang ang naturang programa ng QC LGU na layong makatulong sa mga residenteng nawalan ng pagkakakitaan.

Bahagi rin ito ng inisyatibo para maitaguyod ang lungsod bilang isang bike-friendly city.

TAGS: InquirerNews, JoyBelmonte, RadyoInquirerNews, TulongPangkabuhayan, InquirerNews, JoyBelmonte, RadyoInquirerNews, TulongPangkabuhayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.