Red Cross sa Malakanyang: COA, may audit report ng donasyon ng gobyerno
Sinabi ng Philippine Red Cross (PRC) na ‘all accounted’ ang donasyon sa kanila ng gobyerno.
“As previously stated by the Philippine Red Cross, the humanitarian organization is the recipient of some donations from agencies of the Philippine government,” sabi ng PRC sa inilabas nilang pahayag.
Dagdag pa ng PRC; “The Philippine Red Cross has faithfully accounted for the use of such funds in compliance with the donor agencies’ liquidation and reportorial requirements.”
Una nang nagbanta si Pangulong Duterte na ipahihinto ang pakikipag-transaksyon ng gobyerno sa PRC kung hindi ilalabas ang financial records ng organisasyon.
Kasunod nito, sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na maaring magsagawa din ng ‘special audit’ ang COA sa PRC.
Itinuro ng PRC ang mga ahensiya ng gobyerno na may donasyon sa kanila na maaring sumailalim sa pag-audit ng COA.
“Reports of these donations may be obtained by the Office of the President directly from these government agencies, and audits on these government agencies , if any, maybe secured from the Commission on Audit,” sabi pa ng PRC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.