Bilang ng COVID 19 cases sa bansa nadagdagan ng 21,411

Nakapagtala ngayon araw ng Linggo ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 21,411 COVID 19 cases sa bansa para sa kabuuang bilang na 2,227, 367.

Nadagdagan naman 25,049 ang mga gumaling sa sakit, samantalang may 168 na nadagdag sa talaan ng mga nasawi.

Ang datos ay base sa mga isinumite ng mga laboratory noong Setyembre 10.

Sa ngayon, may 181, 951 ang aktibong kaso at ito ay 8.2 porsiyento ng kabuuang bilang, 2,010.271 naman na ang gumaling (90.3%) at 35,145 na ang namatay (1.58%).

Nabatid na 95.5 porsiyento sa mga active cases ay mild at asymptomatic, 2.59 porsiyento ang may moderate symptoms, samantalang 1.9 porsiyento ang severe at kritikal.

Ayon sa kagawaran asahan na tataas na pang mga bilang sa mga susunod na araw.

Read more...