Pagpapatayo ng ‘super health centers’ sa bansa inilatag ni Sen. Bong Go

By Jan Escosio September 12, 2021 - 03:23 PM

Hiniling ni Senator Christopher Go ang pagpapatayo ng tinatawag niyang ‘super health centers’ sa buong bansa.

Layon nito, aniya, na mapagbuti pa ang pagbibigay ng serbisyong-medikal sa mamamayan lalo na kung may krisis pangkalusugan.

“Layunin po ng mga centers na ito na mas ilapit pa sa ating mga kababayan ang mga serbisyong medikal ng gobyerno, lalo na sa nasa liblib na lugar at pinakanangangailangan ng mga ito,” sabi nito.

 

Aniya ang ‘super health center’ ay isang polyclinic at mas malaking bersyon ng mga nakatayong rural health center. Ito ay may pinakamaliit na sukat na 514 square meters.

 

Sinabi pa ng namumuno sa Senate Committee on Health na ito ay may lab facilities, pharmacy, paanakan, out-patient, dental services at iba pa.

 

Maari din aniya itong magamit na satellite vaccination sites para sa mga mamamayan na malayo sa kabihasnan.

 

Aniya ang mga medical workers sa super health centers ay magmumula sa rural health units at ang pagpapatayo at ang ibibili ng mga kagamitan ay huuhugutin sa Facilities Enhancement Program ng Department of Health.

 

Sinabi pa ni Go na napaka-kritikal na mapalakas pa ang operasyon ng rural health centers para matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan at komunidad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.