1 NPA patay, 2 arestado sa magkahiwalay na engkuwentro sa Bukidnon

By Jan Escosio September 12, 2021 - 03:20 PM

 

 

AFP – EASTMINCOM PHOTO

Nasawi ang isang rebelde, samantalang dalawa naman ang sumuko at dalawang batang mandirigma ang nailigtas ng mga puwersa ng gobyerno sa magkahiwalay na engkuwentro sa Bukidnon

Sa ulat ng AFP – Eastern Mindanao Command, ang unang sagupan ay naganap noong nakaraang Biyernes sa Barangay Laligan, Valencia City.

Nakasagupa ng mga tauhan ng Army 88th IB ang 10 rebelde at matapos ang sandaling palitan ng mga putok ay naaresto sina Romeo Campilan at Angelyn Naingue.

Gayundin ang dalawang menor de edad na 15 at 17 anyos.

Nakuha sa kanila ang tatlong M16 Armalite rifles at tatlong AR15 rifles.

Sa Barangay Baylanan, bayan ng Talakag ay napatay naman ang isang rebelde at narekober ang isang M16 Armalite rifle, isang 9mm pistol at dalawang rifle grenades.

Binabalak diumano ng mga rebelde na isabotahe ang mga kagamitan ng 524th Engineering Brigade na gumagawa ng kalsada sa nabanggit na lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.