Pagpapalabas ng TESDA ng P160M para sa NTF-ELCAC kinuwestiyon

By Jan Escosio September 12, 2021 - 03:16 PM

Nais ni Senator Leila de Lima na maimbestigahan sa Senado ang paggamit ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng kanilang pondo gayundin ang pag-ambag ng P160 milyon sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

 

Inihain ni de Lima ang Senate Resolution No. 886 para mahimay ang mga naging obserbasyon ng Commission on Audit (COA) sa paggamit ng TESDA ng kanilang 2020 budget.

 

“It is necessary to investigate these issues and determine once and for all whether the transfer of funds is viable and what impact it will have on the utilization of public funds,” aniya.

 

Nabanggit ng COA sa kanilang audit report na sa kabila ng kawalan ng awtoridad, naglipat ang TESDA ng P160 milyon mula sa kanilang pondo sa NTF-ELCAC.

 

Pinakamalaking napondohan ng TESDA ang kanilang opisina Davao Region sa halagang P41.95 milyon.

 

Gayundin, pinuna din ng COA ang mga hindi tugmang paggamit ng kanilang P768.53 milyong COVID 19 fund dahil hindi mababa ang bilang ng kanilang enrollees kumpara sa numero ng kanilang graduates.

 

Ayon kay de Lima kinakailangan na maipaliwanag ng husto ng TESDA ang paglipat ng kanilang pondo dahil maaring ito ay ‘technical misappropriation of public funds’ na may katapat na parusa sa Revised Penal Code.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.