Eleksyon sa Lunes Literal na mainit ayon sa Comelec
Pinayuhan ang Commission on elections (Comelec) ang publiko na literal na magiging mainit ang eleksyon sa susunod na Lunes, May 9.
Sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista na dapat na magbaon ng dagdag na pasensya ang mga botante dahil mas mahaba ngayon ang proseso ng pagboto kumpara noong 2013.
May kaugnayan ito sa utos ng Mataas na Hukuman na mag-isyu ng poll body ng resibo sa mga bawat botante.
Dahil sa mainit ang panahon, sinabi ni Bautista na inaasahan na rin nila na magiging mainipin o kaya’y mainit din ang ulo ng ilang mga botante.
Pero tiniyak naman ng opisyal na nakahanda na ang lahat para sa halalan kabilang na dito ang mga gagamiting election paraphernalias.
Noong Biyernes ay natapos na rin ng Comelec ang configuration para sa libo-libong mga SD cards at 92,509 na mga vote-counting machines na gagamitin sa Lunes.
Ang Comelec ay bibili pa ng dagdag na 1.1 Million rolls ng thermal papers bilang dagdag sa mga idinonate ng Smartmatic na siyang magsisilbing resibo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.