All-time record high COVID-19 cases bansa naitala ng DOH

By Chona Yu September 11, 2021 - 05:09 PM

Panibagong record high ng COVID-19 cases ang naitala sa Pilipinas.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 26,303 na COVID-19 cases ngayong araw.

Dahil dito, nasa 2,206,021 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa

Ito na ang bagong all time high ng COVID-19 cases matapos maitala ang pinakamataas na kaso na 22,820 noong Setyembre 9.

Nasa 79 naman ang nadagdag sa talaan ng mga nasawi.

Sa kabuuan nasa34,978 ang kabuuang bilang ng mga nasawi.

Nasa 1,969,401 naman ang nakarekober sa naturang sakit.

TAGS: all time high, COVID-19, doh, all time high, COVID-19, doh

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.