Face-to-face classes dapat pag-aralan muna ayon kay Senador Bong Go
Umaapela si Senador Bong Go nap ag-aralang Mabuti ang pagsasagawa ng pilot implementation ng face-to-face classes.
Ayon kay Go, chairman ng Senate committee on Health, nagpapatuloy pa kasi ang banta ng COVID-19 Delta variant.
Mahirap aniyang isugal ang kalusugan ng mga bata lalo’t hindi pa sila bakunado kontra COVID-19.
“Pag-aralan po ng mabuti, isa ‘yun sa ide-discuss ni Pangulong Duterte dahil may proposal po ang ating DepEd (Department of Education) at saka ‘yung CHED (Commission on Higher Education),” pahayag ni Go.
Una rito, ipi-presenta na ng Inter-Agency Task Force kay Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon na pilot test ng face-to-face classes sa 120 na eskwelahan.
“Sa mga bata, takot talaga ako.. unang-una hindi sila bakunado. Pangalawa, hindi natin kontrolado ‘yung galaw nila,” pahayag ni Go.
“Pangatlo, back to zero na naman tayo (kung magkahawahan sa eskwela), tumataas ‘yung kaso, may Delta cases, mahirap po. So dapat po balansehin muna ang lahat, unahin natin ang buhay at kalusugan ng bawat Pilipino,” dagdag ng Senador.
Ayon kay Go, saka lamang siya papabor sa pagbabalik ng face-to-face classes kung bakunado na ang mga estudyante.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.