Bagyong Kiko humina na

By Chona Yu September 11, 2021 - 11:59 AM

Bahagyang humina na ang Bagyong Kiko at kumikilos patungong coastal water ng Itbayat, Batanes.

Base sa 11:00 advisory ng Pagasan, namataan ang sentro ng bagyo sa karagatan ng Itbayat.

Taglay ng bagyo ang hangin na 205 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugso na 250 kilometers per hour.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 4 sa Batanes habang nasa Signal Number 3 ang northeastern ng Babuyan Islands.

Nasa Signal Number 2 naman ang natitirang bahagi ng Babuyan Islands habang nasa Signal Numebr 1 ang northern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Gattaran, Lasam, Allacapan, Santa Teresita, Buguey, Aparri, Camalaniugan, Ballesteros, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira,Claveria, Santa Praxedes), northern portion ng Apayao (Flora, Pudtol, Luna, Santa Marcela, Calanasan), at northern portion ng Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Dumalneg, Vintar, Bangui, Burgos).

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibillity ang bagyo bukas ng gabo I Lunes ng umaga at tutungo sa northward ng East China Sea.

 

TAGS: Bagyong Kiko, batanes, itbayat, Bagyong Kiko, batanes, itbayat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.