Libreng tawag, charging at WiFi, alok ng Globe sa mga nasalanta ng Bagyong Jolina

By Chona Yu September 11, 2021 - 11:41 AM

(Globe Telecom)

May Libreng Tawag, Libreng Charging, at Libreng WiFi ang Globe Telecom sa mga residenteng naapektuhan ng Bagyong Jolina sa Laguna at Marinduque.

Ayon sa Globe, magagamit ang libreng serbisyo hanggang Setyembre 12, mula 9 ng umaga hanggang 4 ng hapon sa mga sumusunod na lokasyon:

  1. Covered Court, Brgy. Malibago, Torrijos,Marinduque
  2. Covered Court, Brgy. Sayao, Mogpog, Marinduque
  3. Dela Paz Elementary School (Main), Binan, Laguna
  4. Malaban Elementary School, Binan, Laguna

Una nang nagbigay ng kaparehong libreng serbisyo ang Globe sa Borongan City, Eastern Samar at Sta. Margarita, Western Samar, kung saan unang nag landfall si Jolina.

Bilang bahagi ng paghahanda para sa sakuna, tiniyak ng kumpanya na ang mga tauhan nito ay laging nakahanda sa anomang pangangailangan ng publiko.  May mga generators din na nakaantabay  para magamit ng mga pasilidad kung sakaling mawalan ng kuryente.

Nagbibigay din ang Globe sa mga customers nito ng libreng data access sa website ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) website:  https://ndrrmc.gov.ph/  kung saan makakakuha sila ng mga update mula sa mga awtoridad.

 

 

TAGS: Bagyong Jolina, globe telecom, laguna, libreng charging, Libreng Tawag, libreng WiFi, Marinduque, Bagyong Jolina, globe telecom, laguna, libreng charging, Libreng Tawag, libreng WiFi, Marinduque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.