Positibo sa red tide ang ilang baybaying dagat sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, may red tide sa Milagros sa Masbate; sa Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; sa Carigara Bay sa Leyte; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.
Bawal kainin ang lahat ng uri ng shellfish o alamang sa mga nabanggit na lugar.
Gayunman, maari namang kainin ang isda, posit, hipon, at crabs basta’t tiyakin lamang na sariwat at hugasan at lutuing mabuti.
Sinabi pa ng BFAR na kailangan din tanggalin ang kaliskis at hasang bago lutuin.
Samantala, ligtas na sa red tide ang baybaying dagat ng San Pedro Bay sa Western Samar; Matarinao Bay sa Eastern Samar; at Biliran Islands.