Mga menor de edad na nais ng magpabakuna kontra COVID-19 pinapa-rehistro na sa Maynila

By Chona Yu September 11, 2021 - 11:27 AM

Photo credit: Mayor Isko Moreno Domagoso/Facebook

Hinihimok na ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga batang nag-eedad 12 hanggang 17 anyos sa lungsod na magpa-rehistro na para sa COVID-19 vaccination program.

Ito ay kahit na hindi pa inaaprubahan ng Food and Drug Administration ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga menor de edad.

Ayon kay Mayor Isko, registration pa lamang naman ito.

Mas maigi na aniyang nakahanda na ang mga kabataan habang naghihinat pa na aprubahan ng national government ang pagbabakuna sa mga menor de edad.

Maaring magpa-rehistro sa website na www.manilacovid19vaccine.ph.

 

 

TAGS: COVID-19, Mayor Isko Moreno, menor de edad, vaccination, COVID-19, Mayor Isko Moreno, menor de edad, vaccination

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.