Bilang ng bakunadong APOR na nagkaroon ng libreng sakay sa railway lines, umabot na sa 1.9-M

Patuloy pang nadaragdagan ang bilang ng bakunadong Authorized Persons Outside Residence (APOR) na nakapag-avail ng libreng sakay sa railway lines.

Sa datos noong September 9, nasa 46,221 na bakunadong pasahero ang nakapag-avail ng libreng pamasahe sa MRT-3, LRT-2, at PNR.

Sa nasabing bilang, 8,620 na pasahero ang LRT-2 ang nalibre, 35,107 sa MRT-3 habang 2,494 naman sa PNR.

Dahil dito, umabot na sa 1,908,842 ang kabuuang bilang ng mga APOR na nabigyan ng libreng pamasahe simula noong August 3.

Matatandaang ipinag-utos ni Transportation Secretary Art Tugade ang libreng sakay sa mga pasahero naturukan na ng una at ikalawang dose ng COVID-19 vaccine.

Para ma-avail ang libreng sakay, kailangan lang ipakita ng mga bakunadong pasahero ang kanilang vaccination cards.

Pinalawig ang libreng sakay sa railway lines kasabay ng pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa National Capital Region (NCR) hanggang September 15, 2021.

Read more...