P9.5-B ayuda sa PUV drivers, hinahanap ni Sen. Poe sa DOTr
Hiniling ni Senator Grace Poe sa Department of Transportation (DOTr) na ipaliwanag ang pinagkagastusan ng P9.5 bilyon sa Bayanihan 2 na inilaan na pangtulong sa public utility vehicle (PUV) drivers na naapektuhan nang husto ng pandemya.
Ginawa ito ni Poe bunsod ng mga ulat ng ‘underspending’ sa mga pondo na inilaan para sa pagtugon ng gobyerno sa pandemya.
“Hindi ba tayo naaawa sa mga driver na namamalimos? Iyong umaasa sa bigay o nakapila sa mga community pantry para may makain ang pamilya nila? May pera naman pala, bakit hindi gamitin para makaahon man lang sila?,” aniya.
Sinabi naman ng Budget Department na ang P9.5 bilyon na ibinigay sa DOTr ay nagamit naman at malaking bahjagi nito ay naibigay na ayuda sa apektadong drivers at operators.
Kasabay nito, sinabi ni Poe na hihingiin din niya ang paliwanag ng DOTr na sa P1.5 bilyong naipamahagi ng DOTr, P653 milyon lamang ang naibigay sa mga benepisaryo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.