Isasagawang road repairs ng DPWH sa EDSA, C5 tuloy sa weekend

By Angellic Jordan September 10, 2021 - 05:55 PM

Tuloy ang pagsasagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng reblocking at repair sa ilang kalsada sa EDSA at C5 sa weekend.

Sisimulan ang aktibidad bandang 11:00, Biyernes ng gabi (September 10).

Narito ang mga maaapektuhang kalsada:
1. EDSA Caloocan (Southbound) Urbano Plata St. (4th lane mula sa sidewalk)
2. C-5 Road Northbound bago ang Mckinley
3. EspaƱa Boulevard (mula Extremadura St. hanggang M. Dela Fuente St.)

Maari namang madaanan ng mga motorista ang mga apektadong kalsada bandang 5:00, Lunes ng madaling-araw, September 13.

Abiso sa mga motorista, dumaan muna sa mga alternatibong ruta upang hindi maabala ng aktibidad.

TAGS: DPWH, iMinformed, InquirerNews, mmda, RadyoInquirerNews, RoadReblocking, RoadRepair, DPWH, iMinformed, InquirerNews, mmda, RadyoInquirerNews, RoadReblocking, RoadRepair

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.