Bilang ng fully vaccinated vs COVID-19 sa Maynila, higit 1-M na
By Chona Yu September 10, 2021 - 05:47 PM
Umabot na sa isang milyong katao ang fully vaccinated na kontra COVID-19 sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, base ito sa talaan ng Manila Health Department (MHD).
Sinabi pa ni Mayor Isko na base sa datos hanggang 5:00, Biyernes ng hapon (September 10), nasa 1,294,142 ang nakatanggap ng bakuna sa Maynila.
Sa naturang bilang, 1,000,206 ang fully vaccinated.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.