#KikoPH, lumakas pa; Signal no. 4, nakataas na sa bahagi ng Babuyan Islands

Lumakas pa lalo ang Typhoon Kiko kung kaya’t malapit na ito sa Super Typhoon category.

Sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 5:00 ng hapon, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 190 kilometers Silangan ng Aparri, Cagayan dakong 4:00 ng hapon.

Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 215 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 265 kilometers per hour.

Bahagya namang bumagal ang bagyo sa bilis na 15 kilometers per hour sa direksyong Hilagang-Kanluran.

Narito ang mga lugar nakataas sa Tropical Cyclone Wind Signal:

Signal no. 4:
– Northeastern portion ng Babuyan Islands (Babuyan Is.)

Signal no. 3:
– Extreme northeastern portion ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga)
– Natitirang parte ng Babuyan Islands
– Batanes

Signal no. 2:
– Northern, central, at eastern portions ng mainland Cagayan (Aparri, Camalaniugan, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Buguey, Santa Teresita, Tuguegarao City, Iguig, Amulung, Alcala, Allacapan, Lasam, Ballesteros, Abulug)
– Northeastern portion ng Isabela (San Pablo, Maconacon, Divilacan, Palanan)
– Northeastern portion ng Apayao (Flora, Santa Marcela, Luna, Pudtol)

Signal no. 1:
– Nalalabing parte ng mainland Cagayan
– Eastern portion ng Ilocos Norte Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Dumalneg, Bangui, Vintar, Carasi, Nueva Era, Burgos, Pasuquin, Bacarra, Laoag City, Piddig, Solsona, Dingras, Sarrat, San Nicolas)
– Nalalabing parte ng Apayao
– Northern portion ng Kalinga (Balbalan, Pinukpuk, City of Tabuk, Rizal)
– Eastern portion ng Mountain Province (Paracelis)
– Northeastern portion ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong)
– Northwestern at southeastern portions ng Isabela (Santa Maria, Quezon, Mallig, Roxas, San Manuel, Cabatuan, Aurora, City of Cauayan, Angadanan, San Guillermo, Dinapigue, San Mariano, Cabagan, Santo Tomas, Delfin Albano, Tumauini, Quirino, Burgos, Gamu, Ilagan City, Luna, Reina Mercedes, Naguilian, Benito Soliven)
– Northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran)

Ayon sa PAGASA, mararamdaman ang heavy to intense na kung minsan ay torrential rains sa northeastern portion ng Cagayan kabilang ang Babuyan Islands at Batanes hanggang Sabado ng gabi, September 11.

Sa bahagi naman ng northern Isabela at nalalabing bahagi ng Cagayan, heavy to intense rains habang moderate to heavy na kung minsan ay intense rains sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, northern at central Aurora, at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley.

Sinabi rin ng PAGASA na patuloy na palalakasin ng bagyo ang Southwest Monsoon at magdadala ng monsoon rains sa western section ng Southern Luzon at Western Visayas sa susunod na 24 na oras.

Base sa forecast track, kikilos ang bagyo pa-Hilagang Kanluran patungo sa Babuyan Islands-Batanes area.

Hindi inaalis ng PAGASA ang posibilidad na umabot sa Super Typhoon category ang naturang bagyo.

Read more...