Nagdeklara ng ceasefire sa pamahalaan ang grupong Anonymous Philippines.
Sinabi ng tagapag-salita ng grupona tumangging magbigay ng pangalan na hindi sila mangha-hack ng anumang government website hanggang hindi naide-deklara ang mga nanalong kandidato sa eleksyon sa May 9.
Ang grupo ay nagsagawa ng rally kanina sa harapan ng gusali ng Department of Justice para hilingin sa pamahalaan na palayain ang kanilang kasamahan na si Paul Biteng.
Si Biteng ay inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kanilang bahay sa Maynila kamakailan.
Nauna na ring inamin ng Anonymous Philippines na sila ang nasa likod ng defacing sa website ng Commission on Elections (Comelec) pero mariin nilang itinanggi na sila ang nag-upload halos ay 50 Million voters’ data sa isang website.
Sinabi ng grupo na wala silang kinalaman sa pagsasa-publiko ng nasabing mga impormasyon.
“Hindi ho kami nagsasalita ng tapos pero alam niyo na ang data ay nasa Internet so bantayan niyo na lang ho kami. Binunyag na namin noong 2013 nang sinabi namin mahina ang inyong website. Hindi ba’t kapabayaan ito? Samantalang ang inyong opisyal ay kumakamal mula sa aming bulsa samantalang pinapabayaan ninyo ang aming seguridad”, pahayag ng grupo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.