PCG, nananatili sa heightened alert dahil sa banta ng #KikoPH

By Angellic Jordan September 10, 2021 - 03:05 PM

PCG photo

Nananatili sa heightened alert ang Philippine Coast Guard (PCG) kasunod ng banta ng Bagyong Kiko.

Nakahanda ang PCG upang makapagbigay ng kinakailangang tulong sa mga local government unit (LGU) at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Inaasahan kasing magdudulot ang Bagyong Kiko ng mabigat na buhos ng ulan sa Northern Luzon.

Ipinag-utos ni PCG Commandant, CG Vice Admiral Leopoldo Laroya sa PCG District Northeastern Luzon at Northwestern Luzon na siguraduhing nakahanda ang deployable response groups (DRGs) at Quick Response Teams (QRTs) para sa mabilis na evacuation at rescue operations, lalo na sa mga madalas bahaing komunidad sa Batanes, Cagayan, at Northern Isabela.

“We learned so much during our operations amid Typhoon Ulysses last year that left major damages in the Cagayan Valley region,” pahayag ni Laroya at aniya pa, “Aside from training our people and increasing our assets, we also partnered with LGUs so that even ordinary citizens are equipped with basic skills in ensuring the safety of lives in times of natural calamities and emergencies.”

Maliban dito, pinaghanda rin sa PCG National Headquarters ang mga asset, DRGs at QRTs sakaling kailanganin ng dagdag na pwersa.

Pinaalalahanan naman ng mga Coast Guard districts ang mga mangingisda na huwag nang pumalaot sa kasagsagan ng nararanasang sama ng panahon.

“Nauunawaan natin ang ating mga kababayan na sinusuong ang sama ng panahon para may makain ang kanilang pamilya. Pero, hiling po namin ay iprayoridad ng ating mga mangingisda ang kanilang kaligtasan dahil sa oras na may kapahamakang mangyari sa kanila sa gitna ng dagat, ay lalong hihirap ang sitwasyon ng maiiwan nilang pamilya,” paliwanag ni Laroya.

Aktibong nakikipag-ugnayan ang PCG sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Councils (PDRRMCs), Armed Force of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at iba pang rescue units at volunteer organizations para sa pagbibigay ng serbisyo sa gitna ng kalamidad.

Nakaalerto rin ang PCG Auxiliary (PCGA) para sa relief operations at iba pang humanitarian missions sa mga lugar na lubhang maaapektuhan ng bagyo.

TAGS: InquirerNews, KikoPH, PCG, RadyoInquirerNews, InquirerNews, KikoPH, PCG, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.