Roque, nag-sorry matapos pagalitan ang isang doktor

PCOO photo

Humingi na ng paumanhin si Presidential Spokesman Harry Roque matapos pagalitan ang isang doktor na humihirit na huwag ilagay sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila dahil sa banta ng COVID-19.

Ayon kay Roque, naging emosyonal lamang siya matapos marinig ang panukala ni Dr. Maricar Limpin, presidente ng Philippine College of Physicians, at Dr. Antonio Dans, convenor ng Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19, na isailalim sa hard lockdown ang Metro Manila ng dalawang linggo.

“Kinukumpirma ko po na tayo’y naging emosyonal at pasensiya naman po kayo at tao lamang,” pahayag ni Roque.

Pero ayon kay Roque, nais lamang niyang bigyan ng boses ang mga manggagawa.

Hirap na kasi aniyang makaagapay ang mga manggagawa dahil sa mga lockdown na ipinatutupad ng pamahalaan.

Wala na kasi aniyang trabaho at wala nang makain ang mga ordinaryong Filipino.

“Yung mga na-offend po sa manner, I apologize. Kung na-offend po kayo sa manner. But the message remains clear, kinakailangan naman po pakinggan rin natin ‘yung mga hanay na nagugutom,” pahayag ni Roque.

Read more...