Dalawang quarantine classifications na lamang ang ipatutupad sa Metro Manila.
Ito ay para matugunan ang pagkalat ng COVID-19 virus kasabay ng pagbalanse ng ekonomiya.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay dahil sa binago na ng Inter-Agency Task Force ang policy guidelines.
Ayon kay Roque, enhanced community quarantine at general community quarantine na lamang ang quarantine classifications sa Metro Manila.
Ang ECQ ang pinaka-istrikto sa apat na lockdown levels habang ang GCQ ang pangalawa sa pinakamaluwag na quarantine classifications.
Nakadepende naman aniya sa siyudad o munisipalidad ang alert level ng GCQ at maaring ilagay sa alert level 4.
Pero ayon kay Roque sa ngayon, pinaplantsa pa ang guidelines ng bagong quarantine classification.