502,000 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines dumating sa bansa
Dumating na sa bansa ang 502,000 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines.
Dumating ang mga bakuna kaninang 9:00 ng umaga, Setyembre 10, 2021 sakay ng China Airlines Flight C1 701 sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.
Nabatid na ang mga dumating na bakuna ay binili ng pribadong sektor sa ilalim ng Dose of Hope program.
Sa ilalim ng naturang programa, animna milyong doses ng vaccines ang bibilhin ng pribadong sektor.
Sa kabuuan, nasa 52.8 milyong doses na mula sa 187.6 milyong doses ng bakuna na binili ng National Task Force against COVID-19 ang dumating sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.