Patay ang 14 katao habang pitong iba pa ang nawawala matapos manalasa ang bagyong Jollina.
Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 20 katao naman ang naiulat na nasugatan dahil sa bagyo.
Aabot sa 109,680 na indibidwal o 28, 444 na pamilya ang naapektuhan ng bagyo sa Central Luzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, Soccsksargen, at National Capital Region.
Nanatili naman sa 245 na evacuation center ang 9,797 katao o 2,580 pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.