Manila Anti-Drug Council kinilala ng DILG-NCR

By Chona Yu September 10, 2021 - 08:47 AM

Photo credit: Mayor Isko Moreno Domagoso/Facebook

Binigyagn pagkilala ng Department of the Interior and Local Government National Capital Region ang Manila Anti-Drug Council.

Ito ay dahil sa pagpapatupad ng MADAC ng mga panibagong pamamaraan para para tugunan ang problema sa illegal na droga.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, nagpapasalamat ang kanilang hanay sa DILG-NCR dahil sa pagkilala sa kanilang trabaho.

“We thank DILG-NCR for this recognition. Ginawa po natin ang abot ng ating makakaya para ipatupad ang batas kontra droga.” pahayag ni Mayor Isko.

Nabatid na sumali ang Manila City sa 2021 Anti-Drug Council (ADAC) Performance Audit sa ilalim ng Highly Urbanized City (HUC) category.

Naka-focus ang audit sa performance ng MADAC noong taong 2020.

Sa naturang audit, nakakuha ang Manila ng iskor na 85/100 sa anti-drug efforts patunay na highly functional ang MADAC.

“Patuloy po nating susundin ang due process sa ating pagpapatupad sa ating mga programang kontra droga. Hulihin po natin ang mga lumalabag sa batas na ito. Iharap natin sila sa hukuman para mabigyan ng parusa na naaayon rin sa batas. We respect the rights of people but we will also not tolerate any wrongdoing in Manila. Kapag may lumalabag sa batas, tiyak na huhulihin natin sila,” pahayag ni Mayor Isko.

TAGS: anti drug, Manila Anti-Drug Council, Mayor Isko Moreno, anti drug, Manila Anti-Drug Council, Mayor Isko Moreno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.