P1.5B halaga ng shabu nasamsam sa Cavite, 2 patay

By Jan Escosio September 10, 2021 - 07:02 AM

PDEA PHOTO

Aabot sa P1.5 bilyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga ahente ng PDEA, katuwang ang PNP, sa magkahiwalay na anti-drugs operation sa Imus at Bacoor City, kapwa sa Cavite.

Sa paunang ulat kay PDEA Dir. Gen. Wilkins Villanueva, sa ikinasang operasyon sa Bacoor City, napatay sina Bashir Bangon, 59 at Danilo Untavar, 51.

Nakuha sa kanila ang 181 kilo ng shabu.

Sa operasyon naman sa Imus ay nahuli ang mag-asawang sina Aldwin at Lina Micoleta at nakumpiskahan sila ng may 48 kilo ng shabu.

Sa kabuuan aabot sa 229 kilo ng shabu ang nakuha sa dalawang operasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.