Budget Department nakatikim kay Sen. Francis Tolentino sa SC ‘Mandanas ruling’

By Jan Escosio September 09, 2021 - 08:52 PM

Baluktot, ayon kay Senator Francis Tolentino, ang interpretasyon ng Department of Budget and Management (DBM) sa 2018 ‘Mandanas ruling’ ng Korte Suprema.

 

Sa 2022 national budget deliberation ng Senate Committee on Finance sinita ni Tolentino ang mga opisyal ng DBM sa kanilang pagkakaintindi sa desisyon ng Kataastaasang Hukuman.

 

Sa pagsita niya sa DBM, ipinaliwanag niya na ang Internal Revenue Allotment (IRA) ng mga lokal na pamahalaan ay nakabatay sa lahat ng kita sa national taxes at hindi lang sa National Internal Revenue Taxes.

 

Aniya nakakagulo pa sa desisyon ang mga ginagamit na salita ng DBM sa kanilang interpretasyon tulad ng ‘re-calibrate, assess and monitor’ na diin niya ay nagagamit ng mali at wala sa Mandanas ruling.

 

“It appears that you are deviating from the command of the mandate of the Supreme Court- the High Tribunal-on what to do and how to do it. So parang ayaw niyo pa ibigay yung puder sa mga local government units,” diin pa ng senador.

 

Dagdag pa ni Tolentino marami din LGUs ang hindi nakonsulta ng maayos at hindi pinakitaan ng plano sa pagpapatupad ng nabanggit na desisyon.

 

Paniwala nito nadedehado ang mga lokal na pamahalaan kayat hiniling niya na mabigyana ng Senado ng buong datos sa tamang pagpapatupad ng desisyon sa mga lokal na pamahalaan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.