Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating National Task Force to End Local Communist Armed Conflict spokesperson Antonio Parlade Jr. bilang Deputy Director-General ng National Security Council.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang appointment ni Parlade, kahapon, Setyembre 8, 2021.
Ayon kay Roque, kumpiyansa ang palasyo na magagampanan ng maayos ni Parlade ang bagong tungkulin.
“Deputy Director-General Parlade faithfully served the Armed Forces of the Philippines for many years until his retirement from the service. We are therefore confident that his length of fruitful service in the military would immensely contribute in the crafting of plans and policies affecting national security,” pahayag ni Roque.
“We wish DDG Parlade well in his new assignment,” dagdag ni Roque.
Matatandaang naging kontrobersiyal si Parlade dahil sa ginawang red-tagging sa mga artista at mga journalists.
Isinasangkot ni Parlade sa rebeldeng grupo ang ilang personalidad..