99 na bata sa isang orphanage sa Quezon City, positibo sa COVID-19
Aabot sa 99 na bata mula sa isang orphanage sa Quezon City ang nag-positibo sa COVID-19.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, 122 na bata ang sinuri at 99 ang nag-positibo.
Ayon kay Belmonte, sa 99 na positibo, 51 ang nag-eedad ng 10 taong gulang at 48 ang nag-eedad ng 11 hanggang 18 anyos.
Pawang nag-eedad 18 anyos pababa ang mga bata na nanunuluyan sa Gentlehands Orphanage sa Barangay Bagumbahay.
Ayon kay Dr. Rolando Cruz, ang head ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit, isang asymptomatic adult ang bumisita sa orphanage.
Binigyan na ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ng paracetamol, vitamins, hygiene kits, face masks, alcohol, at food packs ang mga bata
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.