106 na COVID positive nasawi kahit bakunado na ayon sa FDA

By Chona Yu September 09, 2021 - 02:33 PM

Aabot sa 106 katao ang nasawi sa COVID-19 kahit bakunado na.

Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director-General Eric Domingo, base sa kanilang talaan, 1,135 katao ang tinamaan ng COVID-19 kahit bakunado na ng first dose at second dose.

Sa naturang bilang, 106 ang nasawi.

Gayunman, sinabi ni Domingo na bumababa na ang pattern.

Ibig sabihin mas mataas ang tsansa na mamatay ang isang COVID positive kung first dose pa lamang ang natatanggap kumpara sa mga fully vaccinated.

Sa kaso aniya ng mga fuly vaccinated, pababa na ang kaso at halos zero na o wala ng namamatay.

 

 

TAGS: bakunado, COVID-19, eric domingo, FDA, bakunado, COVID-19, eric domingo, FDA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.