Physicians Licensure Examinations sa NCR, kanselado

By Chona Yu September 09, 2021 - 02:26 PM

Kinansela ng Professional Regulation Commission (PRC) ang Physicians Licensure Examination (PLE) sa National Capital Region na nakatakda sana ngayong Setyembre.

Ito ay dahil sa nasa modified enhanced community quarantine pa ang Metro Manila dahil sa banta ng COVID-19.

Nakatakda sana ang pagsusulit sa Metro Manila sa Setyembre 11, 12, 18, at 19.

Ayon sa PRC, maaring kumuha ang mga examiners ng pagsusulit sa susunod na taon nang hindi na magbabayad ulit sa examination fees.

Tuloy naman ang pagsusulit sa Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legaspi, Lucena, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga sa Setyembre 11, 12, 18, at 19.

Humihingi ng pang-unawa ang PRC sa mga apektadong examiners.

 

TAGS: COVID-19, Physicians Licensure Examination, PRC, COVID-19, Physicians Licensure Examination, PRC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.