Promosyon ng AFP general nadiskaril sa PMA cadet death
Ipinagpaliban ng Commission on Appointments (CA) ang promosyon ni Major General Bartolome Bacarro bilang Lieutenant General o three-star general.
Kasunod ito nang pagkontra ng pamilya ni Darwin Dormitorio, ang kadete ng Philippine Military Academy (PMA) na namatay dahil sa diumanoy hazing ng kanyang upperclassmen noong 2019.
Sa kanyang pagharap sa CA, sinabi ni Dexter Dormitorio, kapatid ni Darwin, na ipapasakamay kay Bacarro ang pamumuno sa puwersang-militar sa Timog Luzon gayung hindi niya napagbuti ang pamumuno sa PMA.
Si Bacarro ang bagong commander ng AFP – Southern Luzon Command (SOLCOM) kapalit ng nagretirong si Lt. Gen. Antonio Parlade Jr.
Depensa naman ni Bacarro, nalinis na siya sa isinagawang imbestigasyon sa pagkamatay ni Dormitorio at aniya hindi niya makita ang dahilan nang patuloy na paninira sa kanyang katauhan.
Bagamat sinabi din ng opisyal na naiintindihan niya ang sama ng loob ng pamilya Dormitorio.
Sa susunod na linggo muling haharap si Bacarro sa CA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.