‘Buy Filipino’ sa national budget nais maibalik ni Sen. Ralph Recto
Dahil sa isyu nang pagbili ng mga China-made medical supplies, nais ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na maibalik ang probisyon sa pambansang pondo na gumagarantiya sa pagtangkilik sa mga gawang-lokal.
Ayon kay Recto ang ‘Buy Filipino’ provision sa national budget ay palaging nakasaad sa General Appropriations Act mula sa administrasyong-Marcos hanggang sa administrasyong-Noynoy Aquino.
Paliwanag niya dahil sa probisyon nabibigyang prayoridad ang pagbili sa mga produkto na gawa sa bansa.
Katuwiran ni Recto kapag naibalik ang nawalang probisyon malaking tulong ito sa mga nahihirapan ng local manufacturers.
“Wala pang COVID, meron nang ganung batas noon. Eh di mas lalo na ngayon na kailangan ng mga naghihingalong lokal na kumpanya ng benta upang manatili silang bukas at hindi magsisante ng mga manggagawa,” sabi ng senador.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.