PBA: Ginebra pinataob ang Rain or Shine, 83 – 77

By Jan Escosio September 08, 2021 - 10:05 PM
PBA IMAGE

Nasungkit na ng Barangay Ginebra ang kanilang unang panalo sa pagsisimula muli ng 2021 PBA Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Nagsanib puwersa sina Christian Standhardinger, Japeth Aguilar, at LA Tenorio sa huling yugto ng laban para pigilan ang paghahabol ng Rain or Shine.

Walang isang minuto na lamang ang natitira sa laro nang magpasok ng tres si Scottie Thompson para palobohin pa ang kanilang lamang, 82-74 bago ang huling iskor na 83-77.

Samantala, ipinalasap naman ng San Miguel sa TnT ang unang talo, 83-67.

Lumobo pa sa 27 puntos ang kalamangan ng San Miguel at pag-amin ni coach Leo Austria nagising sila at ginanahan sa kanilang pagkatalo sa Terrafirma.

Nagawa pa ng TnT na maibaba sa 13 puntos ang kalamangan ngunit kinapos na ang trop ani coach Chot Reyes.

Sa unang laro, kinailangan pa ng karagdagang 10 minuto para talunin ng Magnolia ang NLEX, 112 – 105.

Natambakan ng NLEX ng hanggang 16 puntos ang Magnolia ngunit dahan-dahan itong nabura hanggang sa mauwi sa double overtime ang laban.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.