Kylie Jenner, inanunsiyo ang pagbubuntis sa ikalawang baby

By Angellic Jordan September 08, 2021 - 08:20 PM

Photo credit: @kyliejenner/Instagram

Inanunsiyo ng beauty mogul na si Kylie Jenner ang kaniyang pagbubuntis sa ikalawang anak.

Nag-upload ng video sa Instagram ang socialite na may caption na heart at pregnant belly emoji, at naka-tag ang rapper boyfriend na si Travis Scott.

Makikita sa video ang pagpapakita ng 24-anyos na businesswoman ng pregnancy test na may positibong resulta kay Scott.

Kasama rin sa video ang pagpunta nila sa doktor upang mapakita ang ultrasound sa kanilang tatlong taong gulang na anak na si Stormi Webster.

Kita rin sa video kung paano sinabi ni Kylie sa kaniyang ina na si Kris Jenner na buntis siya sa kanilang second baby sa pamamagitan ng mga larawan ng ultrasound.

Ibinahagi rin ni Kylie ang kaniyang baby bump at ilang video sa kaniyang ika-24 kaarawan noong August 24.

TAGS: InquirerNews, KrisJenner, Kylie second baby, Kylie second child, RadyoInquirerNews, InquirerNews, KrisJenner, Kylie second baby, Kylie second child, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.